Pagbati!

SOAP, pangalan ng aso na minsang nakasama ng manunulat sa kanyang pinanggalingan lugar. Ito ay mula sa pangalan ng kanyang babaeng iniirog. Ayan rin ang pangalan na bibitbitin sa mundo o espasyong ito. Wala sa larangan ng pagsulat ngunit nais isulat ang mga naiisip at nararanasan; Kaya ito nalikha.

Hindi ito ang unang pagtangka na maglathala ng mga bagay-bagay sa lutang na espasyo. Ngunit dahil sa sitwasyon kinalalagyan ng manunulat ay mas maigi na ito.

Sa ngayon walang inaasahang porma dahil nakadepende ito sa kagustuhan ng manunulat.

Ang manunulat ay nasa kolehiyo. Tumatanda na siya roon. Ngayon ay nasa ikawalong taon na siya ng kanyang pag-aaral. Ninanais niyang makatapos na at kasabay nito ay manatili pa. Nalilibang siyang mag-isa ngunit madaldal naman kung iyong makakasama. Kalmada siyang tao at pala-ngiti. Maykusa paminsan-minsan at may kakaibang sipag na nakuha niya sa kanyang ama. Ang kanyang tyaga naman ay masasabi din natin maaasahan. Ayun sa kanya; TIGAS ng mukha at LAKAS ng loob ang kanyang lagi dala kaya’t nakarating man siya kung nasaan siya ngayon. Pero syempre nandyan rin ang mga taong taos pusong tumutulong sa mga taong hikaos tulad ni SOAP.

Kanyang Paalala: Sana wag kayong malibang sa mga sulatin at wag niyong dalawin. Hindi interesado ang manunulat sa inyong mga opinyon. Para talaga sa personal na gamit itong mga sipi na nais niyang isulat ngunit nasa malawak tayong espasyo kaya nais niyang magbahagi.

Bilang BONUS sa kung sino man makatuklas, maaari mo hiramin, gamitin o angkinin ang mga gawa rito. Gayahin mo ang isang senator natin. Kung ikayaman mo yan o ano man muli hindi interesado ang manunulat.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started